Si Lola Remedios ang haligi ng aming pamilya sa Batangas. Tuwing umaga, siya ang unang gising: nagtitimpla ng kape, nagwawalis ng bakuran, at nagdarasal ng rosaryo para sa aming lahat.
Sampung taon siyang nagtinda ng suman at kakanin sa palengke para mapag-aral ang kanyang anim na anak. Hindi siya nagreklamo kahit minsan. Ang lagi niyang sinasabi: "Basta kumain na kayo, okay na ako."
Kahit nasa ibang bansa na ang ilan sa amin, lagi pa rin niyang tinatanong sa video call kung nakakain na kami. Mami-miss namin ang yakap niya, ang halakhak niya, at ang luto niyang pancit tuwing kaarawan.
Salamat, Lola, sa lahat. Hanggang sa muli.